Isang porsiyento lang ng mga Pinoy ang nais ng Cha-cha

Matindi ang mga argumento sa pagsusulong na maamyendahan ang Saligang Batas ngunit isang porsiyento lamang ng mga Filipino ang nagsabi na napakalahaga itong isyu na dapat nang harapin ng gobyerno.

Base ito sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research noong nakaranag Disyembre.

Nabatid na 73 porsiyento sa mga sumagot sa survey ang nagsabi na ang pagpapababa pa rin sa halaga ng mga bilihin at serbisyo ang unang dapat solusyonan ng gobyerno.

Noong nakaraang Hulyo, 53 porsiyento lamang ang sumagot na ang inflation ang dapat asikasuhin ng gobyerno..

Samantala, pumangalawa naman ang madaling suplay at murang presyo ng mga pangunahing pagkain ang dapat na tugunan ng gobyerno sa 45 porsiyento.

May 36 porsiyento naman ang nag-aalala sa paglikha ng mga trabaho (36 porsiyento), pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa (34 porsiyento) at pagbaba ng insidente ng kahirapan (32 poriyento).

Bukod sa Charter change, hindi rin masyadong intindihin ng mga Filipino ang pagbaba ng halaga ng kuryente at problema sa droga.

 

 

 

Read more...