Makalipas nag tatlong araw na pananatili sa isang minahan sa Mati City, Davao Oriental dahil sa masamang panahon, nakauwi na ang 300 minero.
Nabatid na noong nakaraang Huwebes, Enero 18, nang hindi na makalabas ng minahan ang mga minero ng Hallmark Mining Corp., sa Barangay Macambol.
Pauwi na ang mga minero nang magkaroon ng flashflood sa lugar bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan kayat minabuti nila na manatili na lamang sa minahan para magpalipas ng masamang panahon.
Nalaman ng mg awtoridad ng sitwasyon ng mga minero nang makatawag ang isa sa kanila sa kanyang kaanak.
Ikinunsidera pa na iligtas ang minero sa pamamagitan ng dagat ngunit hindi na ito itinuloy dahil sa malakas naman ang alon.
Sa buong Davao Region, 15 na ang napa-ulat na namatay dahil sa masamang panahon.