Jinggoy lusot sa plunder, guilty sa bribery

Inosente sa kasong pandarambong si Sen. Jinggoy Estrada, ayon sa Sandiganbayan 5th Division.

Ito ay kaugnay sa P10 billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iniuugnay sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Kasabay nito, guilty naman ang naging hatol kay Estrada sa  mga kasong direct bribery at indirect bribery matapos maakusahan nang pagtanggap ng P183 milyong “kickbacks” mula sa mga pekeng proyekto.

Sa mga naturang kaso ay nasentensiyahan siya ng pagkakakulong na  8-9 taon at 2-3 taon.

 

Read more...