Naging viral ngayon araw sa social media ang mga larawan ng lotto winners na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa pagdinig kanina ng Senate Committee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, ibinahagi ni Sen. Raffy Tulfo ang mga “edited pictures.”
Inamin naman ni PCSO Gen. Manager Mel Robles na “edited” ang mga larawan at aniya mga damit ng lotto winners ang kanilang binago.
Katuwiran niya may isang lotto winner na nagreklamo na nakilala siya dahil sa suot niyang damit.
Ayon pa kay Robles para na rin sa seguridad ng mga tumatama sa kanilang lotto games, minabuti nilang i-edit ang mga ito.
Humingi naman ng paumanhin ang opisyal sa “poor editing” ng mga larawan kayat pinagdududahan sila.
“We are sorry we’re not very good at editing the clothes. Tunay na tao po ‘yan,” diin ni Robles.