Ibinahagi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na malapit na muling maubos ang plastic driver’s licenses.
Aniya sa kanilang pagtatantiya dalawang linggo o hanggang ngayon buwan na lamang ang suplay ng kanilang plastic driver’s licenses.
Ayon pa kay Mendoza nangangailangan sila ng anim na milyong plastic na lisensiya ngayon taon.
Bukod pa dito, kailangan pa ng 2.6 milyon para mapunan ang “backlog” ng lisensiya noong nakaraang taon.
Nabatid na mayroon na lamang 270,000 plastic driver’s license ang ahesniya sa kasalukuyan.
Una nang sinabi ni Vigor na hindi pa nila tinatanggap ang donasyon na apat na milyong plastic na lisensiya noong Disyembre dahil hinihintay pa nila ang opinyon ukol dito ng Office of the Solicitor General. (OSG)