Apektado ng pag-ulan sa Davao Region lumubo sa higit 44,000 pamilya

MATI CIO PHOTO

Tumaas sa 44,888 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng malakas na pag-ulan sa Davao Region, ayon sa National Disaster Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang bilang ay may katumbas na 187,108 katao mula sa 109 barangay sa mga lalawigan ng Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao Occidental, at Davao Oriental.

May 1,190 pamilya o  6,709 katao ang nasa 36 evacuation centers samantalang may 525 families o 2,198  indibiduwal ang binibigayn ng mga tulong.

Umabot na sa P2.9 milyon ang halaga ng tulong na naibigay sa mga apektado.

Wala pa naman ulat na may nasawi dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

 

Read more...