Sa official statement na inilabas ng China Foreign Ministry, sinabi ni Spokesperson Hua Chunying, na nagsimula ang sitwasyon sa nasabing karagatan nang iligal na okupahan ng Pilipinas ang ilang isla na sakop ng China noong 1970’s.
“The origin and crux of the disputes between China and the Philippines in the South China Sea lie in the territorial sovereignty disputes caused by the Philippines’ illegal occupation of some islands and reefs of China’s Nansha Islands since the 1970s,”
Kahit sila umano ang biktima sa usapin ng South China Sea, patuloy ang China sa pagpapairal ng kahinahunan upang hindi maapektuhan ang peace at stability sa rehiyon.
“Being a victim of the South China Sea issue, China, bearing in mind the whole situation of regional peace and stability, has been exercising utmost restraint,” dagdag pa ng tagapagsalita.
Patuloy aniya ang pagkontra ng China sa anumang hakbang na idaan sa arbitral proceeding ang usapin ng teritoryo sa WPS at hindi tatanggapin ang anumang magiging desisyon na magmumula sa isang isang third party settlement.
Matatandaang katatapos lamang ng pagdinig sa United Nations Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands kung saan humarap ang mga kinatawan ng Pilipinas upang igiit na nasa ilalim ng ating Exclusive Economic Zone ang inaangking mga bahura na tinayuan ng mga istruktura ng China sa West Philipines Sea./ Jay Dones