Sinabi ni Sec. Bienvenido Laguesma na ang handog nilang tulong ay ang “enTSUPERneur,” para sa pangkabuhayan ng mga driver.
Ito ay maaring pagtitinda ng bigas, sari-sari store, food stall, pag-aalaga ng mga hayop, pang-agrikultura at pananahi.
“Itong taon na ito, mayroon pong naka-lineup na 1,500 transport workers na nagnanais ding makakuha, na habang nagnanais silang sana tuloy-tuloy ang kanilang talagang pangunahing hanapbuhay, ay matulungan natin, magabayan natin na mayroon silang alternatibong pagkakakitaan,” pagbabahagi ng kalihim.
Mayroon na rin aniya 4,500 public transportation workers na nakatanggap ng tulong na nagkakahalaga ng P123 milyon.
“Mayroon din nga pong direktiba ang ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mag-converge ang mga departamento na mayroong resources na pwedeng pagsama-samahin at matulungan po yung mga apektadong manggagawa,” ayon pa sa kalihim.