Nangunguna pa rin si dating Pangulong Duterte sa maaring senatorial candidate para sa 2025 midterm elections, base sa survey ng Tangere ngayon buwan.
Sa resulta ng mobile-based survey noong Enero 10 at 12, pinili si Duterte ng 62 percent ng respondents at umangat pa siya ng higit isang porsiyento kung ikukumpara sa resulta ng katulad na survey noong Disyembre.
Pumangalawa naman sa kanya si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa nakuhang 56.96 porsiyento bagamat bumaba ito ng 2.6 porsiyento.
Pumangatlo si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III (48%), Sen. Christopher “Bong” Go (46.79%), at si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (45.04%) ang bumuo sa Top 5.
Mula sa ika-anim hanggang ika-10 puwesto sina dating Sen. Manny Pacquiao (43.79%), Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa (42.92%), Sen. Pia Cayetano (40.71%), Sen. Imee Marcos (39.83%), at si Dr. Willie Ong (39.38%).
Sina Sens.Francis Tolentino (ika-11, 38.04%) at Sen. Lito Lapid (ika-12, 35%) ang kumumpleto sa Magic 12.