Bumaba sa 20.1 degrees celsius (°C) ang lamig ng hangin kaninang umaga at ito na ang pinakamalamig ngayon taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Naitala ang naturang temperatura ala-5 sa Science Garden sa Quezon Cityat mas malamig ito sa naitalang 20.2°C noong nakaraang Enero 14.
Noong Enero 17 naman naitala ang pinakamalamig sa Baguio City sa 12.4°C.
Ang iba pang lugar na nakaranas ng mababang temperatura ay sa Basco, Batanes (17.4°C); Casiguran, Aurora (18°C); Tanay, Rizal (18.1°C); Abucay, Bataan (18.6°C); Laoag City, Ilocos Norte (19.2°C); Tuguegarao City, Cagayan (19.6°C); Clark, Pampanga (19.9°C); at Mulanay, Quezon (20°C).
Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja ang mababang temperatura ay dulot ng bugso ng amihan.