P698M jackpot prize sa PCSO Grand Lotto 6/55 nasungkit na

INQUIRER PHOTO

Nahulaan ng isang tumaya ang nanalong kombinasyon sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO) sa draw kagabi.

May P698,806,269.20 na premyo ang kombinasyon na 24-50-52-09-51.

Wala naman nakakuha ng kombinasyong 28-05-33-01-23-20 na lumabas sa Mega Lotto 6/55 draw na may jackpot prize na P25,568,828.

Tinamaan noong Martes na draw sa Super Lotto 6/49 ang P640,654,817.60 jackpot prize.

Samantalang, walang nakakuha ng P49,500,000 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Read more...