Higit 2,000 katao apektado ng pagbaha, landslides sa Davao Region

PCG PHOTO

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na higit 2,000 katao na ang apektado ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region.

Ayon sa ahensiya nagpapatuloy din ang evacuation and rescue operations sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon.

Base sa inilabas na datos ng NDRRMC, may 552 pamilya na may katumbas na 2,212 indibiduwal ang apektado at ang mga ito ay mula sa 14 barangay sa Davao de Oro, Davao Occidental at Davao Oriental.

Sa naturang bilang, 446 pamilya o 1,800 indibiduwal ang nananatili sa evacuation centers.

Sinabi ni Office of Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno ang malakas na pag-ulan sa naturang rehiyon ay bunga ng tinatawag na “shearline,” ang pagsasanib ng malamig na hangin dulot ng amihan at ang mainit na hangin  na nagmumula sa Pacific Ocean.

Dagdag pa niya dahilan din ang epekto ng climate change.

 

 

 

Read more...