Sen. JV Ejercito suportado ang suspensyon sa Philhealth contribution

SENATE PRIB PHOTO

Nagpahayag ng kanyang suporta si Deputy Majority Leader JV Ejercito sa panukalang huwag munang ikasa ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Katuwiran ni Ejercito may nakabinbin pa siyang panukala para maamyendahan ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Law.

Sa kanyang panukala, nais ng senador na magkaroon ng adjustment sa premium rates ng Philhealth dahil bumabawi pa lamang ang bansa sa pagkakadapa dulot ng pandemya.

“We have done studies on the numbers and Philhelth said it will not affect the benefits and packages,” sabi ni Ejercito, ang principal sponsor ng UHC Law.

Una nang inirekomenda ni Health Sec. Ted Herbosa kay Pangulong Marcos Jr., na suspindihin ang pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philhealth.

Ayon sa Malakanyang pinag-aaralan na ni Pangulong Marcos Jr., ang rekomendasyon ng kalihim ng Department of Health.

Read more...