Publiko pinag-iingat ni Sen. Bong Go sa mga nakakahawang sakit

OSBG PHOTO

Sa kabila ng pagbawi na ng World Health Organization (WHO sa deklarasyon na global health emergency bunga ng Covid 19, pinayuhan ni Senator Christopher “Bong” Go ang publiko na pag-ingatan pa rin ang kanilang kalusugan.

Aniya marami pa rin ibat-ibang uri ng nakakahawang sakit.

Ayon sa namumuno sa Senate Health Committee, mahalaga na sumunod pa rin sa health protocols na ipinatupad sa kasagsagan ng pandemya.

Kasama na aniya ang pagsusuot ng mask at pagiging malinis sa katawan, partikular na ang madalas na paghuhugas ng mga kamay.,

Paalala na lamang din ni Go na maraming leksiyon ang itinuro ng pandemya sa pagkawala ng mga buhay, pagbagsak ng ekonomiya at pagsasara ng mga negosyo.

Kasabay nito, binanggit ng senador ang kahalagagan ng pamumuhunan sa health care system gaya na lamang ng sinimulan niyang pagpapatayo ng Malasakit Centers, Regional at Super Health Centers.

Read more...