Ikinalugod ni Se Robinhood Padilla ang inihaing resolusyon sa Senado para maamyendahan ang “economic provisions” sa 1987 Constiution.
Sa pahayag na inilabas ng kanyang opisina, sinabi ni Padilla na umaasa siya na ang hakbang ay magpapa-unlad sa bansa.
Si Padilla ang namumuno sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
“Napakagandang balita po ito para sa Bayan. Magkakaroon na po ng bagong sigla ang ating ekonomiya tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino,” ani Padilla.
Magugunita na noong nakaraang taon masigasig na isinulong ni Padilla ang pag-amyenda sa Saligang Batas ngunit inawayan ito ng mayorya sa mga kasamahan niya sa Senado.
Sa kanyang isinumiteng committee report, pitong probisyon ang nais mabago ni Padilla.
Samantala, sa resolusyon na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri kahapon ay nilimitahan lamang sa tatlong probisyon at sinang-ayunan ito nina Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Sen. Sonny Angara.