Case folders ng mga inasuntong pulis nadiskubreng nawawala

INQUIRER PHOTO

Hinikayat ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., ang kanyang regional directors na alamin kung kumpleto pa ang “case folders” ng mga nakasuhang pulis.

Kasunod ito nang pagkakadiskubre at pagbubunyag ni Metro Manila police chief, Brig. Gen. Jose Nartatez na may mga folders ng mga kaso ng mga pulis ang nawawala.

Ayon kay Acorda ang ganitong kaso ay maaring nangyari din sa ibang police regional offices.

“Alarming ‘yun because if you see, part of our focus agenda is integrity enhancement and kasama siya ng cleansing and imposing the right penalty,” katuwiran ng hepe ng pambansang pulisya.

Tiniyak ni Acorda na papanagutin ang mga responsable sa pagkawala ng “case folders” sa NCRPO.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng NCRPO ang pangyayari.

 

 

 

 

Read more...