Nais ni Senator Imee Marcos na mahubaran ng maskara ang nagsingit sa General Appropriations Act ng P14 bilyon na ibinigay sa Commission on Elections (Comelec).
Nasorpresa si Marcos nang mabunyag ang isiningit na halaga na pinangangambahang magagamit sa pagsusulong ng Charter change o Cha-cha.
Aniya maging siya na nagsisilbing vice chairman ng Committee on Finance at nanguna sa deliberasyon ng pondo ng Comelec ay walang alam ukol sa pagkakasingit ng naturang halaga.
Diin niya dapat ay maparusahan sa pinakamadaling panahon ang nagsingit ng halaga at ibalik sa tamang pagkakagastusan ang pondo.
Una nang ibinunyag ni Albay Rep. Edcel Lagman ang nailaan ng bicameral conference committee na P14 bilyon para sa Comelec bago naisabatas ang pambansang pondo para ngayon taon.
Aniya ang halaga ay gagamitin sa mga aktibidad para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.