Senior Citizens Party-list, eye center bumuo ng partnership

ORRO PHOTO

Mga isyu sa paningin nina lolo at lola nabigyan linaw ng Senior Citizens Party-list at VBE Eye Center.

Pagbabahagi ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes nakipagkasundo sila sa VBE Eye Center para bigyan lunas ang mga problema sa paningin at mata ng mga lolo at lola.

“Sa tulong ng ating opisina, maipagkakaloob ng VBE Eye Center ang maraming de-kalidad na serbisyo at benepisyo para sa ating mga minamahal nakakatanda,”  ani Ordanes.

Kabilang sa mga benepisyo at serbisyo ay libreng cataract surgery, libreng paggamit sa operating room complex, libreng mga gamot na gagamitin sa operasyon sa ilalim ng PhilHealth Cataract Package.

Gayundin ang libreng basic foldable Intra-ocular lens at libreng post-operative eye drops at protective goggles base sa PhilHealth Cataract Package.

Maging dalawang post-operative check-up at ibang pang ambulatory eye surgeries na sakop ng PhilHealth member benefits.

“Sa pamamagitan ng pagsanib-puwersa ng Senior Citizens Partylist at VBE Eye Center, nais naming mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat isa sa ating mga minamahal na senior citizens,” sabi pa ng namumuno sa House Committee on Senior Citizens.

Pagbabahagi pa ni Ordanes kailangan lamang na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan ang senior citizens na nais makuha ang mga libreng serbisyo at benepisyo para sa endorsement letter at SeniorSenior Citizens Partyl-list membership identification o ID card.

Maari din makipag-ugnayan sa kanilang opisina sa pamamagitan ng pagtawag sa (0933) 820 0225 o magsadya sa Senior Citizens Partylist Office 306, 3rd Flr The One Executive Office Building West Avenue at sa kanilang Satellite Office sa Barangay Project 6, Barangay Hall Compound, kapwa sa Quezon City.

Read more...