P30.1B health emergency allowance nailabas, may utang pa P14.88B

Inanunsiyo ng  Department of Budget and Management (DBM) na umabot sa  ₱30.1 billion ang nailabas noong nakaraang taon para sa  health emergency allowance ng COVID-19 healthcare workers and non-healthcare workers.

Gayunpaman, aabot pa sa ₱14.88 billion ang utang sa mga benepisaryo.

Nabatid na sa 88.14 billion pondo para sa  COVID-19 health emergency allowance, ₱24.19 billion ang naibigay noong 2022, P30.1 billion ang nailabas noong nakaraang taon, at may  ₱18.96 billion ang dapat na ipamamahagi simula noon pang unang araw ng bagong taon.

“We will endeavor to release the balance, as well as the unfunded HEA (health emergency allowance) claims of roughly P14 billion to fulfill the commitment of President Bongbong Marcos in his SONA,” ani Budget Sec. Amenah Pangandaman.

Ang pagbibigay ng naturang allowance, mula P3,000 hanggang 9,000, ay alinsunod sa  Public Health Emergency Benefits and Allowance for Health Care Workers Act of 2022 sa pag-iral ng state of public health emergency sa bansa dahil sa Covid 19.

Read more...