Hindi irerekomenda ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na irekomenda sa local government units (LGUs) na suspendihin ang mga klase at trabaho sa Metro Manila bukas dahil sa transport protest.
Ayon kay acting MMDA chairman Romando Artes hindi sila nagbibigay rekomendasyon na suspindihin ng LGUs ang mga klase at trabaho sa kanilang nasasakupan tulad ng mga nakalipas na kilos protesta at tigil pasada.
Paliwanag niya, hindi naman kasi napaparalisa ang pampublikong transportasyon.
Dagdag pa niya may mga ginagawa naman na paghahanda ang gobyerno gaya ng pagbibigay ng libreng sakay.
Paliwanag pa niya, hindi nila itinotodo ang pag-aalok ng libreng sakay upang hindi maapektuhan ang kita ng mga PUV na patuloy na pumapasada.
Sinabi pa ng opisyal na nakasanayan na rin nila ang mga dapat maging tugon sa tuwing may protesta ang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon.