Ito ang ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang kanyang dalawang beses na pakikipagpulong kay Pangulong Marcos Jr., sa Malakanyang noong nakaraang linggo.
Aniya sa unang pulong ay ipinarating niya sa Punong Ehekutibo ang saloobin ng mga kapwa senador.
Banggit pa ni Zubiri tila nagtaka si Pangulong Marcos sa isyu ukol sa People’s Iniative kayat pinag-usap sila ni Speaker Martin Romualdez.
Makalipas ang dalawang araw, nakipagpulong aniya sila ni Romualdez kay Pangulong Marcos Jr., kasama niya si Senate President Pro Tempore Loren Legarda, samantalang kasama din sa pulong si Special Assistant to the President Anton Lagdameo at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos.
Sabi pa ni Zubiri na maging si Pangulong Marcos Jr., ay tutol sa People’s Iniative, kung saan ay mababalewala ang boto ng mga senador sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Inatasan naman nito si Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance, para pamunuan ang sub-committee ng Committee on Constitutional Amendments na kikilos para sa pag-amyenda sa economic provisions.
Kanina ay inihain na rin ni Zubiri ang Joint Resolution No. 6 para sa naturang balakin at aniya magiging prayoridad ito sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo.