MAGSASAKA Party-list solon pabor sa pag-amyenda sa 1987 Constitution

 

Naniniwala si MAGSASAKA Party-list Representative Robert Nazal na ngayon na ang tamang panahon para silipin at amyendahan ang Saligang Batas.

Aniya kailangan na ayon na sa kasalakuyang panahon ang Konstitusyon at dapat na makapanghikayat ng mas madami at malalaking banyagang pamumuhunan.

“The 1987 Constitution was rushed, so many of its provisions no longer align with our needs. This is the opportune time to revisit and change what needs to be changed. Let’s ensure the fundamental law of the land is fair,” ani Nazal.

Pagdidiin pa ni Nazal, dapat aniya pantay ang pagtingin ng Saligang Batas sa lahat ng Filipino at hindi lamang pumapabor sa iilang mayayaman.

Naniniwala siya na ang lumalaki pang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na Filipino ay dahil sa makalumang Saligang Batas ng Pilipinas.

“It’s unfair that only the wealthy continue to prosper, and their earnings are taken abroad. We must address this imbalance to ensure a more equitable society. We need a legal framework that uplifts the entire nation,” dagdag pa ng mambabatas.

“We need to develop the sectors of education, health, and agriculture. It would be a significant help if we are open to foreign investments in these sectors. This could lead to advancements and improvements that will benefit the entire nation,” sabi pa ni Nazal.

Read more...