Lasing na mister sinaksak, napatay ng misis

Napatay ng isang ginang ang kanyang lasing na mister sa kanilang pagtatalo sa Lipa City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Allan Buan, 39, isang pintor ng sasakyan at residente ng Barangay 7 sa lungsod.

Sa paunang impormasyon mula sa pulisya, nagtalo ang mag-asawa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

Sa kanilang pagsisigawan, tinangkang saksakin ni Allan ang misis na si Michelle, na nakailag bagamat nasugatan sa braso.

Itinulak nito ang mister na nahulog sa hagdan, bago dinampot ang kutsilyo at sinaksak ang huli sa leeg.

Agad namatay ng biktima, samantalang sumuko ang suspek sa mga rumespondeng pulis.

 

Read more...