360 bahay para sa mga napalayas ng Manila Bay clean-up naibigay

PCO PHOTO

Ibinigay na ni Pangulong Marcos Jr., amg 360 bahay sa mga benepisaryo ng Ciudad Kaunlaran Project Phase 1 sa Bacoor City, Cavite.

Kasunod nito ang groundbreaking naman para sa Phase 2 ng naturang housing project.

Nabatid na ang mga benepisaryo ng pabahay ay ang mga nawalan ng tirahan bunga ng inilabas na Writ of Continuing Mandamus ng Korte Suprema para sa Manila Bay clean-up.

Isinagawa ang proyekto sa tulong ng pamahalaang-lungsod ng Bacoor, National Housing Authority (NHA) at iba pang ahensiya.

Sa Marso inaasahang matatapos ang relokasyon sa ilalim ng Phase 1 at dalawang gusali pa ang itatayo sa Phase 2, na maaring tirahan ng 120 pamilya.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na simbolo ng pag-asa ang Ciudad Kaunlaran at hinikayat ang mga benepisaryo na samantalahin ang oportunidad para sa magandang kinabukasan.

 

Read more...