Nagpalabas ng red tide warning ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa anim na lugar sa Eastern Visayas.
Sakop ng babala, base sa Shellfish Bulletin No, 1 Series of 2024, ang San Pedro Bay sa Basey, Samar; Cancabato Bay sa Tacloban City, ang karagatan ng Guiuan, Eastern Samar; Irong-irong Bay sa Catbalogan City, Samar, Matarinao Bay sa General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, Eastern Samar, at Biliran Island.
Nabatid na nagpositibo sa Pyrodinium bahamense, isang microorganism na nagdudulot ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP).
Inabisuhan ang publiko na iwasan muna ang panghuhuli, pagtitinda at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar.
Ayon sa BFAR ang mga isda, pusit, hipon at alimango sa mga nabanggit din na lugar ay ligtas kainin ngunit kailangan na linisin mabuti ang mga ito at alisin ang mga laman-loob bago iluto.