Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang karagdagang limang porsiyentong premium rate increase ngayon taon.
Epektibo ang pagtaas noon pang nakaraang Enero 1.
Ayon kay PhilHealth President & CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr., kailangan ang pagtaas para mabayaran ang mga karagdagang benepisyo at mapalakas ang pondo ng ahensiya.
“Kailangan natin ng pondo para matugunan ang ating mga nasimulang magagandang pagbabago sa mga benepisyo ng PhilHealth,” aniya.
Ang pagtaas, dagdag pa ng opisyal, ay nakasaad sa RA 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Act, na kanilang ipinatutupad.
MOST READ
LATEST STORIES