Bilin ni PBBM Jr., kay Recto: Pababain ang inflation, ayusin ang tax collection

PCO PHOTO

Umaasa si Pangulong Marcos Jr., na magagawa ni bagong Finance Secretary Ralph Recto na mapababa ang inflation sa bansa.

Pinagbilinan din ang bagong miyembro ng gabinete na palakasin pa ang koleksyon sa mga buwis at habulin ang mga nandadaya sa pagbabayad ng buwis.

Sa pamamagitan aniya ng maayos na koleksyon ng buwis ay mapopondohan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.

“I also have asked him to be at the forefront of our anti-smuggling drive, pursue tax cheats, starting with the habitual ones who have raised tax evasion not just into an art but into a business,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ayon naman kay Recto ipinatitiyak niya sa kanyang mga opisyal na maabot ang target tax collection na P4.3 trilyon ngayon taon.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Marcos Jr., ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

 

Read more...