Reklamong grave threat kay Digong ibinasura

INQUIRER PHOTO

Dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya, ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong grave threat ni ACT-Teachers Representative  France Castro’laban kay dating Pangulong Duterte.

Nag-ugat ang reklamo ni Castro sa pagbabanta  ni Duterte na papatayin niya  ang una sa kanyang programang “Gikan sa Masa” sa  Sonshine Media Network International.

Itinanggi ni Duterte ang akusasyon ni Castro sa katuwiran na hindi direkta ang pagbabanta.

Sinabi pa ni Duterte sa kanyang sagot sa reklamo na propaganda lamang ang paghahain ng reklamo dahil kritiko ng kanyang administrasyon ang babaeng mambabatas.

Nakasaad sa resolusyon na panay ang pagbibiro ng dating pangulo sa naturang programa kayat maituturing na hindi seryoso ang inireklamong pagbabanta niya.

 

Read more...