Publiko pinag-iingat ni Sen. Bong Go sa pekeng Malasakit Center socmed account

Binigyan babala ni Senator Christopher Go ang publiko ukol sa pekeng social media accounts na gumagamit sa logo ng Malasakit Center.

Ang mga naturang socmed accoounts at pages ay nag-aalok ng loan assistance.

Una nang nagpaalala ang Department of Health (DOH) na hindi dapat paniwalaan ang pekeng socmed accounts, na sinasabing online outlets ng Malasakit Center.

Pagdidiin ni Go, libre ang pakikipag-transaksyon sa Malasakit Center at wala din itong inaalok na loan assistance program.

Aniya isinulong niya ang Malasakit Centers upang magsilbing one-stop shop ng mga pasyenteng nangangailangan ng tulong para mabayaran ang kanilang pagkaka-ospital.

Sa kasalukuyan ay may 159 Malasakit Centers na sa ibat-ibang bahagi ng bansa at karaniwang nasa mga pampublikong ospital.

Nagbabala na rin ang DOH na sasampahan ng kinauukulang kaso ang ilegal na gagamit ng logo ng Malasakit Center.

Read more...