Help desks, free shuttle services sa “EMBO” barangays alok ng Taguig LGU

TAGUIG LGU PHOTO

Nagtalaga ang pamahalaang-lungsod ng Taguig ng help desks bilang bahagi ng pagtugon sa mga isyung-pangkalusugan ng mga residente ng “EMBO” barangays.

Bukod dito, may libreng shuttle services din para sa mga residente na magtutungo sa ibat-ibang health centers sa lungsod.

Ang dalawang hakbang ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa mga opisyal ng mga naturang barangay.

Una nang binuksan ang Taguig Health Center sa Barangay Post Proper – Southside.

Bukod dito, nag-alok na rin ang pamahalaan ni Mayor Lani Cayetano ng Home Health para mabigyan ng serbisyo ang mga “bedridden” na residente para sa konsultasyon, pagsusuri at iba pang pangangailangang pangkalusugan.

Gayundin, ang Doctor on Call (DOC), isang  24/7 na serbisyong medikal ng mga doktor at nurse.

Ito ay may ambulansiya para agad makatugon sa anumang medical emergency.

Read more...