Kinumpirma na ni Pangulong Marcos Jr., ang pagbisita niya sa Germany sa darating na Marso 12.
Sinabi niya ito nang makipagpulong sa kanya si German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock sa Malakanyang kanina.
Ibinahagi ni Marcos na ilang beses silang nakipag-ugnayan sa German Embassy para sa kanyang pagbisita.
“I think we have finally managed— with your embassy’s staff— we’ve been driving them a little crazy. We keep moving things because things have been coming up. But I think we have come down on the March 12th, the March 12 date. So I can commit to that now,” sabi ni Pangulong Marcos Jr., kay Baerbock,
Aniya tiwala siya na maganda ang ibubunga ng kanyang pagbisita sa Germany.
“I’m sure that, after the visit to Berlin, many things will develop. We will require your presence here more and more,” sabi pa nito.