Nagkatotoo ang kumalat na haka-haka noong nakaraang taon na si dating Senator Ralph Recto ang uupong bagong kalihim ng Department of Finance (DOF).
Si dating Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang nagkumpirma sa bagong posisyon ng kanyang mister, na ngayon ang nagsisilbing kinatawan ng kanilang distrito sa Batangas at nagsisilbing House deputy speaker.
Kinumpirma na ngayon gabi ni Communications Sec. Cheloy Garafil ang pagtalaga sa gabinete kay Recto kapalit ni Sec. Benjamin Diokno.
Bukas, araw ng Biyernes, manumpa si Recto sa kanyang bagong posisyon.
Noong 2008 hanggang 2009 nagsilbi ng kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Nahalal siya bilang senador noong 2010 hanggang 2022.
Umugong ang balita ukol sa pag-upo ni Recto sa DOF nang makasama siya sa pagdalo ni Pangulong Marcos Jr., sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa US noong nakaraang taon.
Manunumpa din bukas kay Pangulong Marcos Jr., ang negosyanteng si Frederick Go bilang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.