PCPC itinuro ang sarili sa Panay massive blackout

SENATE PRIB PHOTO

Umamin na ang Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) na ang kanilang planta ang dahilan ng matagal na pagkawala ng kuryente sa Panay grid noong nakaraang linggo.

Ginawa ang pag-amin ni PCPC Operations Group Vice President Albino Kintanar sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo.

Ayon kay Kintanar ang “tripping” sa kanilang 135-MW power plant ang ugat ng pagkawala ng kuryete sa Panay Island.

Paliwanag niya na binigyan sila ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng “blackstart power” sa loob ng 30 minuto at nang magbalik ang kanilang “feedback power” ay nag-trip na ang buong Panay grid.

Dagdag pa niya nabigo sila na maibalik ang suplay sa loob ng dalawang oras dahil kailangan ng isang geothermal plant ng apat hanggang anim na oras para sa “start up.”

“Unfortunately, yung tagal ng balik sa amin, nagloko na ang turning gear namin. Dumikit ang rotating part sa stationary part,” dagdag na sagot ni Kintanar sa tanong ni Sen. Francis Escudero.

Pag-amin pa  ni Kintanar nabigo sila na paghandaan ang katulad na “scenario” sa mga naisagawang “simulations” noong nakaraang Marso at naantala din ang kanilang periodic maintenance system (PMS) na dapat isinagawa noong Agosto dahil sa naging isyu sa delivery ng mga kinalailangang spare parts.

Ang mga kabiguan at pagkukulang ng PCPC ay pinuna din ng Tulfo.

Magugunita na ang PCPC din ang responsable sa blackout sa Panay Island noong nakaarang Abril 27.

 

 

Read more...