Widodo sinabi kay PBBM na bubusisiin muli ang kaso ni Mary Jane Veloso

INQUIRER PHOTO

Nangako kay Pangulong Marcos Jr., si Indonesian President Joko Widodo na pag-aaralan muli ng kanyang gobyerno ang kaso ni Mary Jane Veloso.

Ito ang ibinahagi ni Communications Sec. Cheloy Garafil matapos ang pag-uusap ng dalawang lider.

Nasa bansa ngayon si Widodo para sa tatlong araw na working visit base sa imbitasyon ni Pangulong Marcos Jr.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na positibo siya na muling pag-aaralan ng gobyerno ng Indonesia ang kasi ni Veloso, na nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa drug trafficking matapos mahuli noong 2010.

Nabigyan ito ng “reprieve” noong 2015 at patuloy siyang naninindigan na inosente siya sa pagpupuslit ng droga at aniya biktima siya ng mga illegal recruiter.

 

 

Read more...