Ayon kay Maj. Filemon Tan ng Western Mindanao Command, naaresto ng mga pwersa ng gobyerno ang sub-leader na si Mudzrih Abih Adjalan alyas “Idol” at isang pinangalanan lang bilang Yasir.
Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention, pati na ang pagiging responsable sa pagpatay kina Godofredo Oraw Jr. at Homer dela Fuente sa Lamitan City.
Ayon pa kay Tan, si Adjalan ay magaling sa paggawa ng mga improvised explosive devices at sangkot rin sa pagmamatyag sa mga posibleng target ng pambo-bomba sa Zamboanga City, Isabela at Lamitan City.
MOST READ
LATEST STORIES