158 truck napuno ng mga basura ng Pista ng Nazareno

Napuno ang 158 truck ng mga basura mula sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno ng Quiapo ngayon taon.

Ayon ito sa Department of Public Services ng pamahalaang-lungsod ng Maynila.

Ito ay sobrang higit na 88 truck na humakot ng mga basura nang idaos ang Traslacion noong 2020 bago ang pagtama ng pandemya dulot ng Covid 19.

“The total volume of garbage collected during the celebration of the Black Nazarene from January 6 to 10, 2024 has increased significantly as compared with the garbage collected from the past previous years,” ayon sa DPS.

Ang dami ng basura ngayon taon ay may bigat na 486 metriko tonelada.

 

Read more...