Magkakaroon muli ng voter’s registration para naman May 2025 midterm elections simula sa darating na Pebrero 12, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia inaasahan nila na aabot sa tatlong milyon ang magpapa-rehistro na tatagal hanggang Septyembre 30.
Sa ngayon ay may 68 milyong rehistradong botante sa bansa.
Ibinahagi ni Garcia na babaguhin nila ang documentary requirement sa mga magpapa-rehistro, kabilang na ang paghingi ng government-ssued ID.
Huling nagkaroon ng voter’s registration noong Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
MOST READ
LATEST STORIES