Higit 6.1-milyon nakibahagi sa pista ng Itim na Nazareno

Kabuuang 6,113,598 deboto ang nakibahagi sa mga aktibidad kaugnay sa kapistahan ng Itim na Nazareno ng Quiapo kahapon.

Kabilang sa kanila ang mga nagtungo sa Quirino Grandstand, dumalo sa mga Banal na Misa sa Quiapo Church at sumama sa Traslacion simula alas-12 ng hatinggabi kahapon hanggang alas-8 kagabi.

Sa Traslacion, 3,227,090 ang sumama at ito ay higit pa sa humigit kumulang dalawang milyon na inasahan ng mga awtoridad.

Samantala sa datos na ibinigay ng pamunuan ng Quiapo Church, may 751 deboto ang nabigyan ng atensyong medikal ng ibat ibang medical and rescue groups.

At wala din napa-ulat pa na mga insidente na may kinalaman sa seguridad, safety at peace and order.

Read more...