Lubid ng “andas” ng Itim na Nazareno naputol

JAN ESCOSIO PHOTO

Kinumpirma ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na naputol ang lubid na nakakabit sa “andas” ng Itim na Nazareno sa kasagsagan ng Traslacion.

Iginiit naman ng mga opisyal na naputol at hindi sadyang pinutol ang lubid, na pinag-aagawan ng milyong-milyong deboto na nakikibahagi sa Traslacion.

Nabatid na bago mag-ala-1 ng hapon nang maputol ang lubid habang ang “andas” ay nasa Arlegui street.

Nagdulot ito ng pagkaka-antala ng prusisyon kayat inabot ng mahigit dalawang oras bago makalabas ng naturang kalye ang “andas.”

Nagtulong-tulong na lamang ang mga miyembro ng Hijos de Nazareno gayundin ang mga deboto sa pag-maniobra sa “andas” bagamat dalawa pa ang lubid at umigsi lamang ang nasa kaliwang bahagi.

Isinoli ng mga deboto ang naputol na lubid sa Simbahan ng Quiapo.

Ayon pa sa mga opisyal hindi ito ang unang pagkakataon na naputol ang lubid ng “andas” sa kasagsagan ng Traslacion.

 

Read more...