Suspek sa pagpatay kay beauty queen Catherine Camilon sumuko

INQUIRER PHOTO

Bago sumapit ang alas-12 ng tanghali kanina ay sumuko sa pulisya ng Balayan, Batangas ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay beauty queen Catherine Camilon.

Kasama ng 33-anyos na si Jeffrey Magpantay, residente ng Barangay San Roque sa  Rosario, Batangas, ang kanyang live-in partner nang sumuko alas-11:59 kanina.

Una nang sinampahan ng mga kasong  kidnapping at serious illegal detention si Magpantay kaugnay sa pagkawala ni Camilon noong Oktubre sa bayan ng Lemery.

Handa si Magpantay, ayon sa pulisya, na makipagtulungan sa kaso.

Diumano siya ang nagmaneho sa sasakyan na ginamit sa pagdukot kay Camilon. Siya ang driver diumano ng pangunahing suspek na si Police Maj. Allan de Castro.

 

Read more...