Kailangan ng masusing imbestigasyon sa nabunyag na pagbabayad ng P100 sa bawat pirma para sa people’s initiative, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
Isinusulong ang people’s iniatitive para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.
“We need more investigative work. But if indeed the signatures were paid for then the People’s Initiative Petition is not from the people but is the initiative of the source of the money which could be commercial or some other vested selfish interest,” ang mensahe ni Pimentel sa mga mamamahayag sa Senado.
Diin niya hindi imasasabing kagustuhan ng taumbayan ang people’s iniative kung sila ay nasuhulan.
“Anything of value in exchange for a signature can be considered a bribe,” sabi pa ng senador.
Aniya ang imbestigasyon sa sinasabing panunuhol ay maaring gawin ng Kongreso, ng Philippine National Police (PNP), ng National Bureau of Investigation (NBI), ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at maging ng non-governmental organizations (NGOs).