Lalaki na-trap sa elevator ng nasusunog na gusali sa Pasig

fireKasalukuyang nasusunog ang ika-anim na palapag ng isang gusali sa Carlo J. Caparas St., Barangay Ugong, Pasig City.

Nagsimula ang sunog pasado alas-11 ng gabi ng Biyernes, at umakyat na sa 5th alarm ganap na 1:31 ng madaling araw ng Sabado.

Ang nasabing gusali ay may mga bodega at mga opisina, pero ang palapag na nasusunog ay pawang bodega ng mga tela at damit.

Isang trabahador naman ang na-trap sa loob ng elevator ng gusali at patuloy pang inirerescue ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), at katuwang rin nila ang Ugong rescue at City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pasig.

Hindi tuluyang mabugahan ng tubig ng mga bumbero ang nasabing palapag na nasusunog dahil kapag ginawa nila ito, posibleng mapunta ang makapal na usok sa loob ng elevator at ma-suffocate ang na-trap na manggagawa.

Isinugod naman sa ospital ang isa sa mga bumbero dahil hinimatay ito nang makalanghap ng makapal na usok mula sa nasusunog na gusali.

Ginagawa naman ng BFP ang lahat para huwag nang madamay pa ang ika-apat hanggang ika-walong palapag ng gusali.

Bukod sa na-trap na empleyado at hinimatay na bumbero, wala naman nang ibang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.

Read more...