National task force kontra droga, bubuuin ng NBI

nbi-building (1)Bubuo ang National Bureau of Investigation (NBI) ng national task force na tututok lang sa mga problemang may kaugnayan sa iligal na droga sa bansa.

Sa unang araw ng kaniyang pormal na pag-upo bilang director ng NBI, ito na ang plano ni Dante Gierran ang National Task Force on Drug Abuse.

Ayon kay Gierran, ang nasabing task force ay bubuuin ng mga piling operatiba ng NBI, at ito ay maiiba sa kasalukuyan nang illegal drugs division dito sa Maynila.

Bukod sa iligal na droga, naatasan rin aniya siya na tumutok sa mga kasong graft and corruption, pati na sa iba pang mga heinous crimes.

Umaasa naman si Gierran na sana ay madagdagan pa ang kanilang mga ahente, pati na ng mga mas makabagong kagamitan para mas mapaigting at mapalakas ang kanilang kakayahan sa imbestigasyon.

Pormal nang naupo bilang NBI director si Gierran pagkatapos ng turnover ceremony sa NBI gym na dinaluhan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dahil ang NBI ay isang attached agency ng DOJ.

Read more...