177 Metro Manila cops inasunto dahil sa droga

FILE PHOTO

Inanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr., na 177 pulis sa Metro Manila ang nasampahan ng mga kaso na may kaugnayan sa droga mula sa unang araw ng kanyang administrasyon.

Ayon sa Punong Ehekutibo ang mga kaso ay bunga ng pagkakasangkot sa droga, pagtatanim ng ebidensiya, ilegal na pag-aresto at paggamit ng labis-labis na puwersa.

“We are now pursuing 151,818 court cases by the DOJ  in 2022 to 2023, with 121,582 naikulong na,” aniya.

Pagbabahagi pa ni Pangulong Marcos Jr., na ang kampaniya ng kanyang administrasyon laban sa droga ay may mga positibong ibinubunga.

“Pinaganda talaga natin ang komunidad natin, pinapaganda talaga natin ang buhay ng ating mga kababayan, at iniiwas natin ang mga kabataan natin diyan sa pagpasok sa lifestyle ng drug-taking,” dagdag pa nito.

Sa naisagawang 44,000 anti-drug operations, higit 27,000 barangays na ang maituturing na “drug free.”

Noong nakaraang taon, umabot sa P10.41 bilyon ang halaga ng nasamsam na ibat-ibang droga.

 

Read more...