Noong nakaraang Nobyembre, may 1.83 milyong Filipino ang walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang bilang ay mababa ng 257,000 sa naitalang 2.09 milyong walang trabaho noong nakaraang Oktubre.
Ang naitalang bilang noong Nobyembre ay kumatawan ng national unemployment rate noong 3.6%, na mababa sa 4.2% noong Oktubre at Nobyembre 2022.
Nangangahulugan din ito na 49.64 milyong Filipino ang may trabaho o 96.4% employment rate.
Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, ang 96.4% employment rate at ang 3.6% unemployment rate noong nakaraang Nobyembre ang pinakamataas at pinakamababang naitala simula noong Abril 2005.
MOST READ
LATEST STORIES