Kasama ang anak na si Veronica at common law wife na si Honeylet Avancena, sinalubong ng military honors si Duterte mula sa Philippine Air Force paglapag ng kaniyang private plane sa Davao.
Umuwi si Duterte pagkatapos niyang pangunahanan ng change of command ceremonies nina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. RIcardo Visaya.
Una namang sinabi ng presidential son na si Paolo Duterte na tatlong araw na magtatrabaho dito sa Maynila ang pangulo, at tatlong araw rin sa Davao.
MOST READ
LATEST STORIES