Malawakang balasahan ipinag-utos ng bagong Chief PNP

bato
Grab from RTVM Video

Hintayin na lamang umano na si Pangulong Rodrigo Duterte ang maghayag ng mga pangalan ng 3 heneral na pinatutungkulan nitong sangkot sa illegal drugs.

Sa kauna-unahang command conference ng mga opisyal ng PNP,sinabi ni Chief PNP Ronald Bato dela Rosa na si Pangulong Duterte na lamang ang magsabi kung sino sa mga opisyal ang sangkot sa drugs.

Tanging pagtukoy ni General Bato ay naaawa siya sa kanyang mga upper classmen at ayaw niya na bumaba ang morale ng mga ito kung kaya hahayaan na niya si Pangulong Duterte na pangalanan ang mga opisyal.

Kaugnay nito, sa kanyang unang araw ng pag upo bilang CPNP, unang utos ni General Bato ang malawakan reorganisasyon sa PNP base sa merito, seniority at competence.

41 na mga opisyal ang itinalaga sa mga bagong posisyon.

Para dito,itinalaga ni Bato ang kanyang 3 upper classmen para buuin ang command group.

Kaugnay nito, binuo na rin ang bagong Directorial Staff para tulungan ang Command Group sa operational management sa iba’t ibang mga trabaho ng PNP.

Kaninang umaga, pormal nang iniluklok ni Pangulo Duterte si General Bato bilang CPNP kapalit ng nagretirong si Ricardo Marquez.

Read more...