1.3-M deboto nasa Pahalik ng Itim na Nazareno

INQUIRER FILE PHOTO

Tinatayang higit 1.3 milyong deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo ang nagtungo sa Quirino Grandstand kung saan idinaos ang Pahalik.

Base sa impormasyon mula sa Quiapo Church Command Post, hanggang kaninang ala-5 ng madaling araw, tinayang nasa 1.340 milyon ang nagtungo sa Quirino Grandstand.

May 39,600 deboto naman ang nasa Quiapo Church.

Sa mga naunang pagtataya ng mga awtoridad maaring humigit kumulang  dalawang milyong deboto ang sumama sa Traslacion ngayon taon.

Magugunita na tatlong taon na sinuspindi ang Traslacion dahil sa pandemya dulot ng COVID 19.

 

Read more...