Senate probe sa PUV Modernization Program inihirit ni Sen. Imee Marcos

INQUIRER PHOTO

Naghain ng resolusyon si Senator Imee Marcos para maimbestigahan sa Senado ang pagkasa ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa kanyang Senate Resolution 893, sinabi ni Marcos na kailangan ng masusing assessment sa programa.

Ikinatuwiran pa niya na hindi kakayanin ng bansa na magkaroon ng transport crisis dabil nagsisimula pa lamang bumangon ang Pilipinas mula sa pagkakalugmok dala ng pandemya.

Binanggit niya na kailangan din maliwanagan ang mga puna at batikos sa PUVMP.

Kabilang na ang may kaugnayan sa kinukuwestiyong “consolidation of routes,” membership fee sa mga kooperatiba at pondo ng mga korporasyon.

Dagdag pa ni Marcos marami pa rin sa mga operator at driver ang hindi nakakasunod sa “consolidation,” na nagiging ugat ng tigil-pasada ng mga tutol sa modern jeepney.

Read more...