Itinuturing lamang ng More Electric and Power Corporation(More Power) ang power distribution utility sa Iloilo City, bilang simpleng akusasyon na walang basehan ang naunang pahayag ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat managot ang kompaniya sa naranasang malawakang blackout sa Panay Island.
Sa isang panayam, sinabi ni More Power President and CEO Roel Castro na mahirap sagutin ang bintang ni Rep. Castro lalo at wala itong basehan.
Bagamat una nang tinukoy ng Depatment of Enegy(DOE) at Energy Regulatory Commission(ERC) na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na may pagkukulang sa nangyaring blackout ay tanging ang partylisrt solon lamang nagsabi na may pananagutan din ang More Power.
Sa paunang pag-iimbestiga sa insidente sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ang dapat sisihin sa insidente ay ang ang power grid operator, ang National Grid Corporation of the Philippines.
Ang Panay ang pang-anim na pinakamalaking isla sa bansa, kinabibilangan ito ng probinsya ng Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.
Ipinaliwanag ni More Power President Castro na bagamat hindi maiiwasan na may ilang mga disturbances o problema sa sistema ay posibleng naiwasan sana ang pag-bagsak at ang malawakang blackout kung agad nagkaroon ng pag-aksyon ang NGCP.
Alas 12:00 ng tanghali noong Enero 2, nasa 83 megawatts ang nawala mula sa grid system dahil nagkaroon ng shutdown ang isang planta at dapat naagapan ito ngunit sunod-sunod nang pumalya ang anim pang power plants.
Aminado si More Power Executive Castro na sa pag-igting ng El Nino, posibleng maulit ang insidente kung mabibigo muli ang NGCP na proteksyunan ang buong grid system.